Tuesday, November 13, 2007

namamanhid

'di ko alam kung bakit ako nalulumbay
tila di pansin ang sinag ng araw
kahit patuloy ang inog na mundo
nakakabingi ang bawat segundo

naiinip ako
nababagot ako
hinahanap ang mga nakasanayan ko
na biglang nawala dahil sa ibang tao

bigla na lang nangyari
nang di ko man lang nawari
pinaghirapan ko ay nawala
nang di naman "daw" sinasadya

buti na lang mabait ako
kahit masama ang loob
kahit sumikip ang puso
project pa rin ako

parang walang nangyari
parang walang nangyayari
parang walang nararamdaman
kahit puso at laman ay nasasaktan.

No comments: